Ulat ni Argie Gulariza Ergina


Opisyal na binuksan kahapon ang Pinoy Winter Olympics 2021 – 2022 na may temang “Pilipino ako! Kayang-kaya, basta’t sama-sama” at inaasahang magtatapos sa Marso 2022. Ito’y inorganisa ng Coalition of Filipino Community Organizations in Kuwait o FilCom na sinuportahan ng Embahada ng Pilipinas at ng Philippine Overseas Labor Office o POLO Kuwait nitong Biyernes, ika-19 ng Nobyembre 2021 sa Al Saheel Sports Club Abu Halifa.

Nanguna sa Opening Parade ang ilang mga organisasyon na kasapi ng coalition kasama ang iba pang mga participants at bisita ng naturang palaro. Sinundan ito ng dasal, sumunod ang Kuwait National Anthem at ng Pambansang Awit ng Pilipinas. Nagbigay naman ng Welcome Remarks si Mr. Oliver Diong, Chairman ng Coalition of FilCom at ibinahagi naman ni Mr. Christopher Hernandez, Vice-Chairman ng Coalition of FilCom ang Overview ng Pinoy Winter Olympics ngayong taon.

Samantala, nagbigay naman ng mensahe ang ilang opisyal ng Embahada ng Pilipinas na sina Hon. Vice Consul Atty. Josel Mostajo at Hon. Asst. Labor Attache Cathy Duladol. Nakiisa din sa pagbubukas sina Ms. Princess Conwi, Cultural Attache at Ms. Genevieve Ardiente, Welfare Officer. Pinangunahan ni Mr. Robin Dayao, FilCom Leader ang Lighting of Torch. Nagtagisan naman sa pagrampa ang sampung mga kandidata ng Miss Pinoy Winter Olympics sa isang production number. Magaganap ang kanilang coronation sa Pebrero sa susunod na taon. Hindi din nagpahuli ang Top15 candidates ng Mr. Pilipino sa Kuwait na gaganapin naman ang Final walk sa Enero 2022.

Pormal namang idineklara ang pagbubukas ng Pinoy Winter Olympics ni H.E. Philippine Ambassador Mohammad Nordin Pendosina Lomondot at nagbigay ng mensahe ng pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng naturang sports event. Kasunod nito ang Oath of Sportmanship kasama ang lahat ng mga manlalaro at nagpagalingan naman sa paghataw sa Zumba na pinangunahan ng ilang grupo ng Zumba dancers sa Kuwait.

Nagbigay-kulay ang Catsclaw Martial Arts at Ajia No Ken presentations sa pagbubukas ng Pinoy Winter Olympics. Nanumpa naman ang ilang mga organisasyon bilang bagong kasapi ng coalition. Highlight sa pagbubukas, ang Voice Olympics na may labing-walong contestants. Itinanghal bilang Grand Champion si Mr. Jose Roy Laguda, 1st Runner-up naman si Ms. Vicky Nonog at si Ms. Elsa Tiqui bilang 2nd Runner-up.


Read Today's News TODAY... on our Telegram Channel click here to join and receive all the latest updates t.me/thetimeskuwait