Ulat ni Argie Gulariza Ergina


Binuksan ng Al Muzaini Exchange ang kanilang ika-119 na branch sa Al Dhajeej Block 1 Building 10 Kaza Center Complex nitong Martes, ika-16 ng Nobyembre 2021. Ang Al Muzaini ay isa sa mga kilalang financial solution providers at nangungunang exchange company sa Kuwait.

Pinasinayaan ni Mr. Hugh Fernandes, General Manger ng Al Muzaini Exchange kasama ang iba pang mga senior officials ang pagbubukas ng kanilang pinakabagong branch. Ito ay magbibigay ng malawak na mga serbisyong pampinansyal sa kanilang mga customer tulad ng instant bank transfer, instant money transfer, foreign currency exchange at Corporate/Trade transfer, na may magandang palitan at mas mabilis na turn-around time sa mga transaksyon araw-araw.

“Ang aming vision ay gawing mas accessible ang lahat ng mga serbisyong pampinansyal, kasabay ng aming mas lumalakas na network sa buong Kuwait kasama ang Al Muzaini Digital Payment platform na available sa Apple Store, Google Play at App Gallery. Ito’y magbibigay ng mas ligtas at mas simpleng “one-stop financial solution” na may kakaibang features tulad ng; Pagrehistro sa mga Bagong Customers, Pagdaragdag ng mga Bagong Tagatanggap, Pagpapadala sa Western Union, Maging Alerto sa nais na Palitan at makita ang inyong Rekord ng Transakyon sa isang pindot lang, kahit saan at anumang oras.”, pahayag ni Mr. Fernandes.


Read Today's News TODAY... on our Telegram Channel click here to join and receive all the latest updates t.me/thetimeskuwait