Migrant Secretary Susan Ople. PHOTO BY JOHN RYAN BALDEMOR

Ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Pilipinas ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Kuwait para maiuwi ang mahigit 300 na manggagawang Pilipino na nananatili sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)-run welfare centers, ulat ng Manila Times. Nagbigay ng pahayag si Migrant Secretary Susan Ople na sila ay umaasang maiuwi ang hindi bababa sa 310 ng mahigit-kumulang 460 na mga manggagawang Pilipino na karamihan ay mga household service worker o domestic helpers na nagtatrabaho sa Kuwait.

Marami sa mga manggagawang Pilipino ang nakaranas ng verbal o sekswal na pang-aabuso, o nagtiis sa mahihirap na kondisyon sa kanilang trabaho.

Ayon kay Ople layunin ng Kagawaran na bawasan ang bilang ng mga kaso sa Kuwait kaalalay ang pribadong sektor at pamahalaan ng Kuwait habang inaasikaso ang pagpapauwi sa mga OFW. Kasalukuyang nasa Kuwait ang mga opisyal ng DMW sa pangunguna nina Undersecretary Hans Cacdac at OWWA Administrator Arnell Ignacio para personal na pangasiwaan ang maayos at mabilis na pagpapauwi ng mga manggagawang Pilipino.

Ayon pa sa ulat, naghahanap din ang pamahalaan ng Pilipinas ng mga alternatibong gusali na magsisilbing pansamantalang tutuluyan ng mga distressed OFW. Sinabi ni Ople na kumikilos din ang DMW na i-upgrade ang mga pasilidad sa mga shelter na pinapatakbo ng gobyerno sa Kuwait at sa ibang bansa.

Pahayag ni Cacdac matapos ang kanilang ocular inspeksyon na hindi nagdudulot ng mabuting kalusugan at ginhawa ang kasalukuyang kalagayan ng mga manggagawa. Nagbilin din ang ang opisyal na dapat magkaroon ng sapat na silid para sa mga sesyon ukol sa financial literacy, mental wellness at Tesda courses. Dagdag pa ni Cacdac na tagubilin ni Secretary Ople na lahat ng mga distressed OFW ay kailangang umuwi na habang ang kani-kanilang pangangailangan ay inaasikaso ng departamento.


Read Today's News TODAY... on our Telegram Channel click here to join and receive all the latest updates t.me/thetimeskuwait