Ulat ni Argie Gulariza Ergina

Patuloy sa pag-arangkada ang International Culinary Arts o ICA, ang kauna-unahang Culinary School na pagmamay-ari ng isang Pinay na dating nagtatrabaho sa bahay sa loob ng tatlong taon. Si Olivia Ferrer o mas kilala bilang Liv ay tubong San Jose Western Tarlac at proud Ilocana-Kapampangan.

Matapos magtrabaho sa loob ng bahay si Liv, nagtrabaho siya bilang Sales Advisor at Sales Associate sa ilang Clothing Lines at Apparels sa Kuwait sa loob ng halos pitong taon, na kinalaunan ay naging Assistant Manager. Isa siyang Receptionist sa isang private company ngayon at nagbebenta ng mga luxury brands sa ibang bansa. Nagpapatayo din siya ng isang private resort at bumili ng isang condominium para gawing negosyo sa Pilipinas.

“Halos lahat ng hirap napagdaanan ko, nagtinda ako ng tocino, mga alahas at kahit anong pwedeng mabenta. Inoffer sakin ang ICA kasi naging estudyante ako dati ng isang Culinary School din. Gusto naming tumulong nila Chef Ricky Laxa sa ating kapwa mga OFWs sa pamamagitan ng pagbibigay ng short-courses para if ever mag-for good na sila pwede na silang magtayo ng kanilang sariling negosyo.”, pahayag ni Ferrer.

Samantala, matatandaan na nagbukas ang naturang eskwelahan noong ika-25 ng Setyembre ngayong taon sa Al Salam Mall, Salmiya. Ito ay pinangunahan ni H.E. Philippine Ambassador Mohammad Nordin Pendosina Lomondot kasama ang kanyang asawa na si Chef Noor Jarifah Lomondot, ICA CEO Ms. Olivia Ferrer at ng Kuwait Sponsor Mr. Khalid Sulaiman Al Shughaih. Dumalo din sa naturang inagurasyon sina Hon. Vice Consul Josel Mostajo, Hon. Labor Attache Nasser Mustafa at Hon. Asst. Labor Attache Cathy Duladul.

Sa ngayon ay patuloy sa pag-organisa ng mga events ang ICA katulad ng ASEAN Cook Fest sa pangunguna ng kanilang School Director na si Chef Ricky Laxa sa tulong ng Al Muzaini Exchange at Dadabhai Travel Kuwait bilang mga major sponsors. Patuloy din silang nag-ooffer ng ilang courses katulad ng Asian Cuisine Cooking Course, Art of Chocolate Making, Commercial Baking Course, Advanced Baking Course, Japanese Cuisine at marami pang iba. Magkakaroon din ang naturang eskwelahan ng Star Chefs Kids Cooking Club, na layong bigyan ang ilang kabataan ng bagong mapaglilibangan at hindi laging sa gadgets ang kanilang atensyon.


Read Today's News TODAY... on our Telegram Channel click here to join and receive all the latest updates t.me/thetimeskuwait