– ulat ni Argie Gulariza Ergina


Ginawaran ng MEA Finance ang Al Muzaini Exchange, isa sa mga malalaki at nangungunang padalahan sa Kuwait bilang “Best Remittance & Foreign Exchange Company” nitong buwan ng Nobyembre sa MEA Finance Awards 2021.

Isa ang Al Muzaini Exchange sa mga nominado sa Financial Service Industry Category na kinalaunan ay nanalo matapos ang evaluation na isinagawa ng mga panel of judges na nakabase sa Dubai. Layunin ng MEA Finance Awards 2021 na bigyang parangal ang lahat ng mga indibidwal at institusyon sa kanilang husay at galing sa industriya upang mabigyan ng sapat na serbisyo ang kanilang mga customers lalo na sa panahon ng pandemya.

Samantala, matatandaan na ginawaran din ang naturang kumpanya bilang “Best Service Provider at Best Foreign Exchange Company” ng Global Business Outlook at “Best Money Transfer Company” naman ng The Global Economics noong mga nakaraang buwan ngayong taon.


Read Today's News TODAY... on our Telegram Channel click here to join and receive all the latest updates t.me/thetimeskuwait