Site icon TimesKuwait

POLO nag organisa ng ikalawang special flight para sa mga OFWs

By Ricky Laxa
Staff Writer

KUWAIT: Kailan lang ay nagkaroon ng special flight ang Philippine Overseas Labor Office ng Kuwait para sa dalawang daan at limampung pasahero. Aninmnapu dito ay mula sa shelter ng POLO OWWA, ibat  ibang shelters ng mga ahensiya at ang ilan ay tapos na ang kontrata.

Ang special flight na ito ay inorganisa ng POLO OWWA sa pamumuno ng Labor Attaché na si Nasser Mustafa at ng Dadabhai Travel. Ayon dito ang special flight ay ikalawa sa taong ito at inoorganisa ito upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Overseas Filipino Workers o OFWS na makabili ng murang tickets, dahil umano ang normal na flight ay may kamahalan para sa isang OFW at kanyang sponsor. Ito ay inoorganisa sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment ng Pilipinas at ng Kuwait.

Ayon kay Labor Attaché Mustafa sa bagong direktiba ng IATF at Kuwait, na nagsasad ng pagluluwag ng mga direktiba ito rin marail ang simula ng pagbaba ng halaga ng pamasahe at pagkakataon upang makapagbakasyon ang mga OFWs at sana ay tuloy tuloy na sa pagbalik sa normal ang mga flights pauwi ng Pilipinas.

“Kung tuloy tuloy na ang pagbubukas ng mg flights ay hindi na natin kailangang magorganisa pa ng special flights para sa ating mga OFWs” saad ni Labor Attaché Mustafa.

“Nagpapasalamt kami sa POLO OWWA sa tiwala at pagbibigya ng pagkaktaon sa aming travel agency na tumulong sa ating mag kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng murang halaga ng tickets” ayon kay Paulita Lundang ang manager ng Dadabhai Travel ng Salmiyah. Sa darating na ika 28 ng Pebrero ay mayroon pang isang special flight ang POLO OWWA sa pakikipagtulungan din ng Dadabhai Travel.

Exit mobile version